MAYNILA — Inaasahang matatapos sa kalagitnaan ng taon ang kontrobersiyal na pagtatambak ng crushed dolomite sa Manila Bay, sabi ngayong Huwebes ni Environment Undersecretary Jonas Leones.
Nasa 60 hanggang 70 porsiyento nang tapos ang pagtatambak ng dolomite sand sa Manila Bay, na posibleng matapos sa Hunyo o Hulyo, ani Leones na nag-inspeksiyon sa lugar nitong umaga ng Huwebes.
